exibições de letras 585
Letra

    Bago ako mag umpisa meron akong katanungan
    Pangalang mga bitaw kaya mo na bang tumbasan
    Kung inaakala niyo na na kayo ang nangunguna
    Pwes ako magtutumba at titibag ng inyong pwersa
    Payat at maliliit mga hindi mo nga maitumba
    Kinakailangan pa pa banng isama buong katropa
    Buong pamilya kahit isama buong mag-anak
    Di parin sasapat at ako pa rin ay pumapalag
    Makuyog man ako at ninyong o maicorner
    Itak lang ang gagamitin kahit katapat pa ay baril
    Pagsamasamahin man ang lahat ng kanta niyo
    Ang katumbas lang nito pipi silent ko lang kayo

    Kung sayo ay 38 sa akin ay berreta
    Kundi ang naimpatcho butisin ng barena
    Huwag mong ikumpara beat mong tunog pambalerina
    Ngayon sa aking beat mga buto mo ay manghina
    Ika'y baliw na, ikaw ay nabaril na
    Pumatol sa balyena kaya ika'y banat na
    Sa bawat bangon mo sabay saksak ng bayoneta
    Ako ang dalubhasang gagamot sayong depuka
    Bata batuta magpunas ka ng muta
    Lumabas ka na sa kuta maghakot ng mga tuta
    At sa rap game ikaw ay magmagaling
    Ikaw ay parang dilis na nagpapalamon sa pating

    Virus man kayo o matinding polusyon
    Ako naman ang lason sa inyong populasyon
    Kung baga ako'y tinik kayo'y mga tinga
    At kung kayo ay ginto platinum kami tanga
    Ah! halimaw ka sukdulang bayolente
    Pwes! ako nman ang heganting vigilante
    Na ubod ng lakas tigas parang si hercules
    Tinitiris ko ang mga nagpapakabangis
    Wa epek kamandag niyo ay di tumatalab
    Sa halip lalo pa tuloy akong kumikintab
    Opps! siya nga pala hindi ninyo ako maaabot
    Kasi akong tanong na di ninyo masasagot

    Ngayon luisito papasok na parang usok
    Ako ang tinik na sa inyo yo! tumutusok
    Bmubulusok na ako na parang pison
    Lahat ng init ng ulo bakit sa amin binubunton
    Huwag umabuso huwag magpapadala sa tanso
    Ang gagong elemento ang magiging tatso
    Ang kaso lumaki ang ulo ng mga baguhan
    Di pa kilala gusto na agad makipagtagisan
    Tigilan niyo na ang inyong kapuputak
    Malabo pa kayo sa tinig ng bagong panganak
    Kaya nga nagpakabangis kaya nga nagpakalupit
    Para tuluyan ng sa rap game kayo iligpit

    Kung ambon ang inabot at kayo'y nagbabagyo
    Ngayon sa munting pagbawi aabutin ay dilubyo
    Kahit magsama ka pa kahit sino pang magaling
    Ako'y parang sakit sa ulo na iyong idadaing
    At kung may lunas dura sa mukha alisin itong pamunas
    At kung makawala sa gapos yan ay aking kunting pabwenas
    At kung kayo'y nagsilbing ilaw ako ang araw
    At siyang hindi magbibigay ng grasya araw-araw
    Sa tahanan, kayo sa silong ako sa atique
    Partida matay takip pero lahat hagid
    Kahit sabihin mo ang grupo mo ngayo'y umaangat
    Ngayon balik sa lupa siguradong kayo'y sanat

    What? kung inaakala mo tayong dalawa ay patas
    Serbesa na ang akin ikaw hanggang gatas
    Sa mismong teritoryo mo ako ang rumuronda
    Ikaw ang bulati ako ang anaconda (ssshhhhh)
    Paunlakan sa istasyon ang iyong kompetisyon
    Pano tayo magsasabay iba aking direksyon
    Gusto kong tumaas ang iyong dinadada
    Eh sino bang tangang magpapaiwan sa baba
    Sa madaling salita (what) hindi tayo pareho
    Kung may pilbox ako anong silbi ng iyong asero
    Para kang 38 ako ang uzi ako ang plapla ikaw ang watusi
    Asssiiii kung sa tingin mo ang naging kampyon
    Eh papano kung anu-ano kasi ang diduksyon
    Ng mga salimpusa na pumasok sa laro
    Kita niyo tagasalo lang kayo kaya laging bukol
    Nabubo kahit kelan di ka paparehas
    Kasi ang utak mo boy makitid pa sa rehas
    Natudas magdasal parang tudos losantos
    Mga tarantadong di marunong magpaagos
    Nagsalita sa may, pilit sumabay
    Eh sa liit kong to bakit dika makapantay
    Sa akin lamunin mo ang tira namin
    Huwag kang puro tapang pagka't ikaw ay dudumugin

    Ako ang mag-uumpisa ng contest
    Parang school everyday lagi kayong mintis
    Kahit mag-aral ka o gaano ka katalino
    No match ka sa akin dadaanin kita sa talinto
    Kung baga sa rap ako ang mababa na siksik sa skills
    Kung inggit ka papainumin kita ng sleeping pills
    Para habang buhay ka nang makatulog
    At huwag ka nang gigising dahil tatamaan ka ng kulog
    Ikaw na mismo aking pinupuntirya
    Pagnagreact ka ibibitin kita patihaya
    Kaya magpractice sige na magpractice
    Para sa ganun hindi kayo naiinis

    Tinumbwasan na ang lahat sinapawan na ang lahat
    Paano mo sasabihin na kumuin ang balat
    Ang tira mo pilit mong pinapatama
    Ni isa sa grupo mo wala sa akin nagpahanga
    Wala! lyrics nga raw kusang umaapoy
    Alaska man ako pa rin sayo ang pupusoy
    Hoi! patalim mo akin nang pinurol
    Bago ka makabawi ikaw ay nakaburol
    Tinatanong kita tumutunog na ba
    Ang dibdib mo meron pa bang halong kaba
    Aba! isugod mo man lahat sila
    Itapat mo sakin kahit nag-iisa

    Ngayon aking tutumbasan aking lalampasan
    Ang bawat tira niyo di ko na kailangan pang ilagan
    Nagbabagang kataga akin lamang duduraan
    Kahit marami pa kayo handa akong makipagsabayan
    Walang hintuan hindi niyo ko kayang pigilan
    Kahit magalit man kayo at ako'y panggigilan
    Wala akong pake kayo ay aking tatawanan
    Kung gustong mabilisan akin ding tatapatan
    Ang talentoy mabato ay aking sasapawan
    Papantayan ni hindi kita tatantanan
    Lahat ng grupo mo sa akin ay paglalamayan
    Homeboy galingan mo muna bago mo ako bawian

    Ako ay langit at ikaw naman ay lupa
    Tinatapakan ang bunganga mo puros dada
    Kung ikaw ay mabangis ako ay malupit
    Huwag mag-angas angasan pagkat dila'y paligpit
    Kung baga sa laro pusoy ikaw ay tagmalas
    Butiki ka lang at ako'y swordplus
    Ako ang alas na laging nasa itaas
    Pupusuyin ko ang sultada mo pingas-pingas
    Sa rap game nagnanais ka pang umangat
    Ang aso nga naman kung saan nagkakalat
    Bitsin lang ang katapat mo nang bunganga ay bumula
    Automatic na rin ang pagtungo sa pagmura

    Sargod mga santo mula sa mersinaryo
    Kahit pa sino tikman anino ng demonyo
    Ako'y sinugo para mga huwad ubusin
    Kung tigre ka subukan mo akong lapastanganin
    Puro ka hangin sabi mo ikaw ay malupit
    Ako ang latigo sa likod mo hahagupit
    Huwag pipikit baka hindi ka makamulat
    Ang aking mga litra na inulat at sinulat
    Sa aking paggapang sabi mo huwag itutuloy
    Eh kung lunurin kaya kita sa kumunoy
    At ang apoy unti-unting ipapamalas
    Aangas-angas ka baka salvage na bukas

    Ikaw na ang alas ikaw nang malakas
    Pero hindi mo alam akong sugo ni satanas
    Kung ikaw ang husgado nagbibigay ng katarungan
    Ako ang haring maghahatol ng kamatayan
    Kung kayo ay matindi parang malupit na tigre
    Ako ay aatake na parang mabangis na bwetre
    Kung kayo ang matigas na pa bang adobe
    Ako ang metal na di kayang lusawin ng asupre
    Kung ikaw ang rap bomb na mataas ang uri
    Tingnan mo si diegenz kumikinang parang dyamante
    Gusto mo ng duelo isama mo lahat ng homeboy
    Ako'y maghihintay sa kumukulong apoy

    Tatagal ka ba sa init ng aking dura
    Tatayo ka ba pag ako ang nagmura
    Tatanggapin ko lahat ng nagbabagang bala
    Burado ka naman sa kahit ano pa nga ba
    At kung sa tingin mo bang lagi kang nasa lugar
    Ako ang magbabawal at ako ang illegal
    At kung ikaw ang nakatakdang papatay sa akin
    Ako'y mananalangin na ikaw ang paunahin
    Nagpahiwatig kang hindi ka na maaabot
    Nang aking mabatid dalawang least for lang ako
    Ako'y palaban para bang makapal na bakal
    Tumagal iyong dasal parang sumugal na kawal
    Talagang nawalan nga ng salasala...

    (ang ibang salita ay hindi ko maintindihan. pasensiya na sa mga mali)


    Comentários

    Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra

    0 / 500

    Faça parte  dessa comunidade 

    Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Gagong Rapper e vá além da letra da música.

    Conheça o Letras Academy

    Enviar para a central de dúvidas?

    Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.

    Fixe este conteúdo com a aula:

    0 / 500


    Opções de seleção

    Mais ouvidas de Gagong Rapper