Bahala Na
Magalona Francis
"Bahala na," sabi ng karamihan,
ugali na hindi maiwasan
Sa gawain, maging sa pamumuhay,
hindi malimot ang wikang "bahala na"
"Bahala na," kahit na sa pag-diga
ang binatang uhaw sa pagsinta
Pinipilit mabola ang dalaga, at kung
ang "Oo'y" makamit "bahala na!"
Ewan ko ba kung bakit nga ganyan, kahit na kailanman
Sa anumang iyong ginagawa, bahala na'y hindi nawawala
Bakit kaya, tayo'y ganyan, bukambibig "bahala na?"
Bahala na--sabi ng karamihan
Bahala na--ngayon at kailanman
Bahala na--hindi malilimutan,
bukambibig nating lahat araw-araw
Bahala na--anuman ang mangyari
Bahala na--handa nang magtiis
Bahala na--sa buhay at pag-ibig,
kahit ligaya o lumbay "Bahala na!"
Comentários
Envie dúvidas, explicações e curiosidades sobre a letra
Faça parte dessa comunidade
Tire dúvidas sobre idiomas, interaja com outros fãs de Magalona Francis e vá além da letra da música.
Conheça o Letras AcademyConfira nosso guia de uso para deixar comentários.
Enviar para a central de dúvidas?
Dúvidas enviadas podem receber respostas de professores e alunos da plataforma.
Fixe este conteúdo com a aula: